Bakantehin ang espasyo at masiyahan sa mas mabilis na performance gamit ang aming panlinis ng PC
Subukan ang Avast Cleanup Premium nang libre — hindi kailangan ng credit card. Linisin at i-optimize ang performance ng iyong device gamit ang aming panlinis ng PC para mabawi ang espasyo sa storage at gumana nang mas mahusay ang iyong computer nang mas matagal.
Paganahin na parang bago ulit ang Aparato mo:
Linisin ang basura para sa mas maraming espasyo sa storage.
I-enjoy ang mas mabilis na performance mula sa iyong device.
I-set up ang awtomatikong pagpapanatili.
Gawing mas malinis at mas mabilis ang iyong Windows PC
Matagal mo nang ginagamit ang PC mo. Tulungang i-optimize kung ano ang nakapagpapabagal sa inyo gamit ang naka-patent na bagong tuklas na teknolohiya ng Avast Cleanup Premium.
Ilagay sasleep ang mga app.
Alisin ang bloatware at mga nakalimutang programa.
I-defrag at i-optimize ang iyong hard drive.
Ano ang nagpapabagal sa aking device?
Mas maraming programa na ini-install at ginagamit mo, nagiging mas mabagal ang PC mo dahil sa tatlong pangunahing dahilan.
Mga item sa startup
Maaaring awtomatikong gumana ang mga programa kapag ino-on mo ang iyong PC, na lubhang nagpapabagal sa oras ng pag-startup.
Mga proseso sa background
Maaaring gumagana ang mga programa sa background kahit na hindi mo ginagamit ang mga ito, na umaaksaya sa memorya at CPU ng iyong PC.
Mga nakatakdang gawain
Ang ilang software ay maaaring magtakda ng sarili nitong schedule at pwedeng biglang maging aktibo, gumagamit ng resources at nagpapabagal sa iyong PC.
Tumulong na pahusayin ang performance ng iyong PC gamit ang Sleep Mode
Natutukoy ng aming proseso sa pag-tune-up ng PCang mga nagpapahina ng performance at pinapayagan kang pigilan ang mga ito, nang hindi mo kailangang i-uninstall ang mga programa o ginagambala ang performance ng iyong PC.
Oras ng pagtulog
I-on ang Sleep Mode para ma-freeze ang anumang program na maaaring magpabagal sa iyo. Habang naka-sleep, hindi ito gagamit ng anumang resources.
Wake up
Ilunsad ang program na nilagay mo sa sleep, mo, at hayaan ang aming smart algorithm na awtomatikong paganahin ang lahat ng aktibidad nito sa background.
…at saka bumalik sa kama
Sa sandaling tapos ka na sa paggamit ng program, awtomatiko naming ibabalik ito sa sleep para makatulong na pigilan ito sa pagpapabagal sa iyo.
Kung mas maraming program ang ilalagay mo sa sleep, mas kaunti ang pagaganahin mo sa background, na makakatulong na i-optimize ang performance ng iyong PC.
Alisin ang mga basurang program at bloatware
Tukuyin ang bloatware at mga program na matagal nang nakalimutan
Maaaring mapabagal ng mga programa ang inyong PC na matagal mo nang hindi nagamit o hindi ginusto kailanman sa unang pagkakataon — mga pagsubok na bersyon, mga hindi gustong toolbar, o paunang-na-install na software. Ang mga ito ay pag-aaksaya ng espasyo at bilis, at maaari ding maging isang panganib sa seguridad. Sinisiyasat ng aming App Manager ang mga lumang app at programa sa PC mo na kumakain ng maraming espasyo at tintulungan kang mabura ang mga ito nang mas ligtas nang walang anumang natitira.
Linisin ang mga app
Alisin ang panghuhula sa paglutas kung aling mga programa ang hindi mo na kailangan sa pamamagitan ng aming cloud-based na reputasyon at mga sisema sa pagdetect ng hindi kinakailangang programa. Kung natatakot kang i-uninstall ang mga ito, maaari mong pansamantalang ilipat ang mga app sa trash hanggang sa magdesisyon ka.
I-defrag at ingatan ang iyong hard disk
Pagpapalakas ng performance para sa iyong HDD
Ang pag-defrag ay isang mahalagang salik sa performance ng PC: Ito ng proseso ng muling pagsasaayos ng mga file sa hard disk para sa mas mabilis na pag-access. Masisiyahan k sa mas mabibilis na startup, mas kaunting pag-load, at mas mahusay na performance sa pangkalahatan.
Ingatan ang inyong SSD
Ini-scan ng aming Disk Doctor ang iyong system disk para sa mga potensyal na error, kabilang ang mga error sa file system, mga isyu sa integridad ng data, at mga karapatan sa pag-access. Kung may natutukoy na mga isyu, nag-aalok ito ng mga awtomatikong pag-aayos. Tinutukoy din nito ang mga SSD (Solid-State Drives) na hindi kinakailangang i-defrag.
Bigyan ang inyong PC ng tamang Linisin
Nauubos ang espasyo ng disk? Ini-scan ng Avast Cleanup ang iyong PC mula itaas hanggang ibaba para maalis ang mga gigabyte ng mga natirang basurang file mula sa daan-daang application, browser, at maging Windows.
Linisin ang iyong browser.
Tanggalin ang mga hindi gustong plugin at toolbar.
Magbakante ng espasyo.
Paano ko aalisin ang araw-araw na kalat?
Sa araw-araw na ginagamit mo ang inyong PC, napupuno ito ng kalat ng mga tira-tirang file mula sa Windows, mga program ninyo, o mula lang sa pag-browse ng web. Nasa amin ang gamot.
Panglinis ng Browser
Maaaring mag-imbak ang mga browser ng mga record ng iyong aktibidad at personal na impormasyon tulad ng cookies, history ng pagba-browse, mga kredensyal sa pag-login, o mga cache. Bawiin ang espasyo at pahusayin ang iyong privacy pati na rin ang bilis ng pagba-browse gamit ang awtomatikong paglilinis ng history ng iyong pagba-browse sa mga pinakasikat na browser ngayon.
Epektibong alisin ang bloatware
Tumutukoy ang bloatware sa lahat ng dati nang naka-install na software na hindi mo talaga kailangan at malamang na hindi mo gusto: mga app na hindi mo ginagamit, mga nakakagambalang toolbar, mga nag-expire na software trial, at adware na nagpapainis sa iyo ng mga popup o maaari pa ngang pag-espiya sa iyo. Masusing ii-scan ng Avast Cleanup ang iyong makina para tulungang maalis ang bloatware ng PC.
Panglinis ng Disk
Patakbuhin ang isang malalim na pang-scan para sa mga tira-tira ng application na umookupa ng mahalagang espasyong imbakan.
Mga file ng installer
Maaaring maging magulo ang mga pag-install. Nag-iiwan ang mga iyon ng mga pansamantalang file na nakakapuno sa hard disk mo.
Cache
Mga pansamantalang file na naiiwan sa iyong disk ng mga program at Windows.
Mga pansamantalang file ng system
Lumilikha ang iyong operating system at mga program ng mga pansamantalang file na naiiwan sa iyong disk.
Mga lumang backup
Mga restore point na ginagawa ng operating system para makabalik sa mga dating estado.
Ayusin ang mga problema ng PC mo
Ang mabilisang pag-aayos para sa isang pagod na PC, ang Avast Cleanup ay puno ng mga tool na parehong para sa mga baguhan at propesyonal para tugunan ang ilan sa mga pinakanakakainis na isyu, pag-crash, at pag-freeze.
I-enjoy ang awtomatikong maintenance.
Malinis na mga registry.
Malinis na mga browser.
Magpatulong para ayusin ang mga error sa hard disk.
Ano ang awtomatikong pagpapanatili?
Ang inyong PC ay nag-iipon ng isang toneladang maaksayang data araw-araw ngunit nasa likod mo kami. Regular na tumutulong sa iyo ang aming awtomatikong maintenance at awtomatikong inaalis ang mga basurang file na ito.
Linisin ang inyong browser at disk
Alisin ang mga natirang file ng cache at mga bakas mula sa iyong browser, mga program, at Windows.
Alisin ang mga sirang shortcut
Linisin ang iyong desktop sa ilang segundo sa pamamagitan ng pag-delete ng mga "patay" na shortcut na hindi mo kailanman ginamit.
Linisin ang iyong registry
Ang mga isyu sa registry ay maaaring magresulta sa mga pag-crash ng program at mensahe ng error. Tinutulungan ka namin na awtomatikong ayusin ang iyong registry bilang regular na maintenance ng Avast Cleanup.
Disk Doctor
Sa paglipas ng panahon, maaaring masira ang file at istruktura ng folder ng iyong hard disk, na humahantong sa pagkawala ng data at mga pag-crash. Tumutulong ang aming Disk Doctor na maiwasan ang mga error at gamutin ang iyong disk. Narito kung ano ang aming tinitingnan:
Mga error sa system ng file
Parang libro ang istruktura ng iyong hard disk: Isang index na nagtuturo sa mga kabanata at pahina. Kapag nasira ang index na ito, bigla na lang na hindi na mahahanap ng PC mo ang mga file o folder. Maaari itong humantong sa mga nawawalang file, mga application na hindi na gumagana, o pati pag-crash ng Windows. Tinitingnan ng aming Disk Doctor ang ganitong mga error sa istruktura at tinutulungan kang ayusin ang mga ito sa lalong madaling panahon.
Integridad ng data
Puwedeng ma-corrupt ang mga file sa iyong disk sa iba’t ibang dahilan, tulad ng biglaang pagkawala ng kuryente. Natutukoy ng aming Disk Doctor ang gayong mga error at tinutulungan ayusin ang mga ito.
Mga karapatan sa pag-access
Kung nakakatanggap ka ng mga mensaheng "Wala kang mga pribilehiyo para ma-access ang file na ito" (o katulad nito), nagulo ang mga karapatan sa pag-access ng mga file at folder. Puwede itong mangyari pagkatapos ng isang update, pag-install ng isang application, o kahit pagkatapos ng isang pag-atake ng virus. Tinitingnan ng Disk Doctor ang gayong mga error at sinusubukang ayusin ang mga iyon.
Awtomatikong nag-a-update sa iyong mga program
Ang mga lumang program ay maaaring maiwang mahina ang iyong PC sa mga bug, pag-crash, at mga panganib ng seguridad. Regular na tumitingin ang aming Software Updater para sa mga update sa iyong mga program at pinapayagan kang awtomatikong i-install ang mga mas bagong bersyon kung gusto mo.
Tumutulong na maiwasan ang mga panganib sa seguridad
Tinatangkang ayusin ang mga bug
Nagbibigay ng mga pinakabagong feature
Bakit ko kailangan ng mga update ng software?
Ang mga update ng software ay maaaring maging kritikal sa pagpapanatiling tumatakbo nang maayos at ligtas ang iyong PC. Narito kung bakit hindi mo dapat balewalain ang mga ito.
Para maiwasan ang mga panganib sa seguridad
Maaaring iwang mahina sa mga panganib sa seguridad ng mga lumang program ang iyong PC. Tumutulong ang aming Software Updater na ayusin ang mga butas sa seguridad para sa iyo, inililigtas ka mismo sa abala ng paghahanap, pagda-download, at pag-i-install ng mga update.
Para ayusin ang mga bug
Ang mga pag-aayos ng bug ay mga bahagi ng maraming update, kaya tutulungan ka ng Pang-update ng Software na i-enjoy ang iyong software na may mas kaunting nakaiinis na mga pag-crash at mga error message. Sinusuportahan namin ang mga pinakatanyag na application, tulad ng Adobe Reader, Skype, VLC Player, at WinRAR.
Para makuha ang mga pinakabagong tampok
Ang mga bagong update ay kadalasang naghahatid ng mga bagong tampok. Bilang halimbawa, VLC Player 3 ay nagdaragdag ng suporta hanggang sa 8K at HDR na video – isang bagay na makakaligtaan mo kung hindi ka nag-a-update. Maaaring awtomatikong i-install ng aming Software Updater ang mga update para sa iyo, para sa susunod na buksan mo ang iyong paboritong app, magagamit na ang anumang mga bagong feature.
Damhin ang lakas ng aming panlinis at optimizer ng PC
Ang Avast Cleanup ay may kasamang mga tool na kailangan mo para i-tune up ang iyong device:
Sleep Mode
Ihinto ang mga app na gumagana sa background para mabakante ang memory ng iyong device at tulungan itong tumakbo nang mas mabilis.
Shortcut Cleaner (Tagalinis ng Shortcut)
Inaalis ang mga patay nang shortcut mula sa iyong desktop at mga listahan ng history sa buong Windows at iba pang mga application.
Awtomatikong Maintenance
Regular na nililinis at itinu-tune ang iyong PC para sa iyo – nang hindi ka gumagalaw ng daliri.
Panglinis ng Disk
Bawiin ang espasyo ng storage sa pamamagitan ng pag-delete ng mga tirang file mula sa Windows at daan-daang pinakakaraniwang program.
Tagalinis ng Registry
Ini-scan ang registry ng iyong Windows para sa mga isyu at sinusubukang ayusin ang mga ito.
Panglinis ng Browser
Nililinis ang mga bakas sa online, cookies, at pansamantalang data mula sa 25 browser, kabilang ang Edge, Chrome, at Firefox.
Software Updater
Maghanap at mag-install ng mga update sa software para sa mga pinakasikat na application sa isang lugar sa ilang pag-click lang.
Tuning Dashboard at Action Center
Nag-aalok ng isang mabilis na paglalarawan ukol sa kalusugan ng PC mo.
Disk Defrag at Optimization
Tinutulungan kang baguhin ang ayos ng iyong hard disk para sa mas mabilis na pag-access sa file.
Disk Doctor
Tinitingnan at tumutulong na ayusin at pinipigilan ang mga error sa iyong hard disk.
Pag-recover ng data
Hanapin ang mga na-delete na file sa iyong mga hard drive, USB drive, at memory card at subukang i-recover ang mga ito bago ma-overwrite ang mga ito.
Pag-usapan natin ang mga bilang
Ang release ng aming 2019 Avast Cleanup ay nalampasan ang aming mga inaasahan sa aming mga panloob na pagsusuri. Narito ang mga numero:
79%
Mas mabilis na pag-start up*
Sinukat ang oras ng pag-boot sa mga segundo gamit ang Microsoft Performance Toolkit
(Surface Book)
30%
Mas mabilis na performance sa trabaho
Iskor sa mga puntos base sa PCMark score, ipinapakita ang mga kakayahan ng multitasking at multimedia. Mas mataas na iskor, mas mabuti.
(Alienware desktop PC)
71 GB
Na-Clean up
71 GB ang nabakanteng espasyo pagkatapos alisin ang mga pansamantalang file gamit ang Panlinis ng Disk ng Avast Cleanup.
(2012 Ultrabook)
*Ang mga resulta mula sa aming laboratoryo ay pagpapakita lamang. Maaaring magkaiba-iba ang mga resulta mo.
I-boost ang iyong mga Mac at Android device
Avast Cleanup para sa Mac
Sa tingin mo ba ay malinis ang iyong Mac? Isipin mo uli. Tinutulungan kayo ng aming tool sa paglilinis para sa Mac na matukoy ang mga nakatagong junk file, malalaking file, at kahit malabo o duplicate na mga larawan. Mabilis na Inaalis ng aming app uninstaller ang mga app at natitira.
Avast Cleanup para sa Android
Tumutukoy ng tirang data, mga nakatagong bagay na umuubos ng battery, at tumutulong na ayusin ang iyong phone. Natutukoy din namin ang mga larawang malabo at mababa ang kalidad para ma-delete mo! Kumuha nang higit pang bilis, espasyo, at organisasyon sa ilang pag-tap.
Avast Cleanup Premium
Ang susunod na henerasyon ng pag-tune up at paglilinis para sa iyong PC
Paganahin na parang bago ulit ang Aparato mo:
Linisin ang basura para sa mas maraming espasyo sa storage.
I-enjoy ang mas mabilis na performance mula sa iyong device.
I-set up ang awtomatikong pagpapanatili.